HomeHome  FAQFAQ  SearchSearch  RegisterRegister  Log inLog in  
 

MADISKARTE SI BEBENG

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
judelyn
Airsoft Babe



Age : 20
Joined : 31 Dec 2007
Posts : 19
Location : Nagcullooban, Sinait, Ilocos Sur, Philippines 0916-4431-891

PostSubject: MADISKARTE SI BEBENG   Tue May 13, 2008 9:35 pm

Registered nurse si Bebeng sa L.A.

Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito.
Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng.
Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha
ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku!
Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!
Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat
na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng
liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas
dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit
$10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko
kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang
spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni
nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para
sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw.
Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift
Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon
trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na
Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang
mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga
dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa
may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Mike. Bigyan
nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din
ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream
ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi
glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni
Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam
nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin
mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband.Kunin mo agad,Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars.
Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Pwede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si
Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may
nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-
suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter
kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa
bawat butas. Ibangon ninyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga
iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay
pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo,tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para
sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya
rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng
Back to top Go down

MADISKARTE SI BEBENG

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions of this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: General Discussion :: HUMOR & JOKES-